KINOMPIRMA ng pamunuan ng PNP-Firearms and Explosive Office (PNP-FEO) na muling magpapatupad ang pamahalaan ng panibagong gun amnesty nang sa gayon mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi lisensiyadong baril upang gawing legal.
Ayon kay PNP FEO spokesperson, Senior Supt. Sydney Hernia, target ng PNP ipatupad ang panibagong amnesty sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon.
Pahayag ni Hernia, kasalukuyang isinasapinal na ang guidelines para sa isa pang amnestiya na ‘subject for approval’ na ng office of the chief PNP.
Batay sa record ng PNP-FEO, nasa higit 500,000 ang loose firearms sa buong bansa.
Nasa 1.7 milyon ang registered firearms ayon sa statistics ng FEO ngunit hindi lahat ay updated dahil ang iba ay expired na ang lisensiya.
Kaya ang nakikitang remedyo para sa mga bigong makapagpa-renew ng kanilang lisensiya, ay gun amnesty.