GRABE talaga ang AlDub love team nina Alden Richards and Maine Mendoza.
Kinabog ng Eat! Bulaga ang It’s Showtime in last Saturday’s episode, ang araw na dapat ikakasal na si Yaya Dub pero hindi natuloy dahil peke ang pari. Grabe ang response ng mga tao sa episode na iyon, talagang niyanig niya ang buong Pilipinas.
Imagine, naka-more than two million tweets and episode na ‘yon. Ang daming nag-post sa social media ng kanilang emosyon, tuwang-tuwa sila at hindi natuloy ang kasal. Marami ang nagbunyi at may pag-asa pa sina Alden at Yaya Dub na magkita.
At ang mas higit na nakakaloka, binalya ng Eat! Bulaga ang kalabang show when it comes to rating. Humataw sa all-time high ang rating for that day ng Eat! Bulaga na nakakuha ng 45.6% laban sa It’s Showtime na pumalo na sa pinakamababang rating na 2.3%. That’s according to AGB Nielsen.
Aba, ang 2.3 % na rating na ‘yan ay nakukuha lang ng ikatlong network, ang TV5. Ganoon na pala kababa ang rating ng noontime show ng Dos. What a pity. Hindi na sila ngayon ang naghahari sa katanghalian.
At dahil lubog na sila sa rating ay may mga pagbabago na sa It’s Showtime. One is giving P100,000 as papremyo. Mayroon din silang segment na nagbibigay si Vice Ganda ng cash sa audience, ranging from P5,000 to P25,000. It was something na rati ay hindi naman nila ginagawa.
Inaasar nga sila sa social media dahil parang ginagaya raw nila si Willie Revillame na namimigay ng pera sa audience.
UNCUT – Alex Brosas