NAGING kontrobersiyal ang pag-apir ni Ryza Cenon sa Wowowin dahil sa pagtatanong niya kung bakla ang isang contestant.
Marami ang nabuwisit kay Ryza dahil sa kanyang pagkataklesa. Ang feeling ng ilang tao sa social media ay grabe ang panghihiya ng aktres sa contestant. Hindi na raw dapat tinanong iyon.
“Before you judge try to know first what really happened. The ‘Wowowin’vepisode where I guested was not live so marami na pong na-edit out doon. Sa totoo lang ayoko navpong patulan ito dahil wala naman akong dapat i-explain kasi alam ko naman po lahat ng totoong nangyari at alam po ito ng mga naroon. Alam niyo na malaking bahagi po sa buhay ko ang mga LGBT. Dahil marami akong kaibigan sa kanila at hindi ko sila ikinahihiya. ‘Yung iba sa kanila ay itinuturing kong mga totoong kaibigan at nagpapasaya sa akin. Never ko silang binastos dahil mataas ang respeto ko sa mga LGBT. I’m not being rude I’m just being real. Don’t be ashamed of being gay, tao pa rin kayo katulad ko. You should be proud kasi you’re free to be yourself. Hindi mo kailangan itago ‘yun dahil sa mga taong judgmental. I’m so grateful na may mga kaibigan ako na LGBT dahil mas pinalawak nila ‘yung pag-iisip ko at pang-unawa sa kapwa. Mahal ko ang mga LGBT.:& happy lang tayo. ’#wowowin #dontjudgeme.”
‘Yan ang mahabang explanation ni Ryza sa kanyang Facebook account.
UNCUT – Alex Brosas