Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, ibinuking na nagba-bonding sila ni Kristeta

051815 herbert kris
UNTIL now ay hindi pa nasisimulan ang shooting ni  Quezon City Mayor Herbert Bautista ng movie nila ni Kris Aquino.

Actually, may usap-usapan na baka nga hindi na matuloy ang movie nila ni Kris dahil madalas magkasakit ang Queen of Talk.

“Ay, hindi ko alam ‘yan. Sana hindi. Kung hindi matutuloy, mas importante ang health before anything else,” say ni Mayor Herbert sa launching ng MLQ: Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon, Isang Dula sa KIA Theater sa Cubao.

Actually, noong huli pala silang nagkausap ay noong nasa shooting pa siya (Kris) ng Mistress.

“‘Yung huling usap namin ay sinabi niya na tatapusin muna niya at  magko-concentrate muna siya roon. Hopefully, matuloy naman ang project kaya lang nagkakasakit siya. Pero kung hindi matutuloy, siyempre mas importante ‘yung health niya more than anything else,” say ni Mayor Herbert.

Nang matanong kung regular ang kanilang communication, tila umiwas si Mayor Herbert and said, “With Star Cinema, oo.”

Nang i-stress ng isang reporter na si Kris ang tinutukoy niya, eto ang paiwas pa ring sagot ni Mayor Herbert, “Kasama ko si PNoy kanina.”

Kumambiyo naman siya at sinabing, “Oo naman. Kailangan nagba-bonding kayo. Beyond movie siyempre friendship should be there.”

Super proud si Mayor Herbert sa dula about Manuel L. Quezon na pinapanood ng public high school students. He’s wishing na maraming natutuhan ang mga estudyante at maging inspirasyon nila ang play about the former president.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …