Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris bad vibes kay Chiz

TILA nabasag na ang katahimikan ni presidential sister at “Queen of All Media” Kris Aquino sa isyu ng pulitika sa nalalapit na 2016.

Mapapansing tahimik lang si Kris mula inendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Interior Secretary Mar Roxas para maging kandidato ng administrasyon.

Marami ang nagsasabing pro-Grace Poe si Kris, na ikinampanya niya noong 2013, ngunit mukhang katulong si Kris ni PNoy sa pagkumbinse kay Poe na maging running mate na lamang ni Roxas.

Marami ang naging saksi sa usapan ni Kris at ng ilang mga kaibigan pagkatapos ng misa para sa kanyang tiyuhin at dating Senador Agapito ‘Butz’ Aquino, na pumanaw noong nakaraang Lunes.

Ayon sa isang source na original na miyembro ng grupong ATOM o August Twenty One Movement, saksi siya sa pagkainis ni Kris kay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero. “Her voice was quite loud and everyone in Rockwell Chapel could hear her story,” sabi ng aming source na tumangging magpakilala.

“Tinanong nung kausap niya kung kumusta na si Grace [Poe] at kung tatakbo ito against PNoy,” kuwento ng aming source. “Her friend asked why Kris can’t convince Grace to take PNoy’s offer as vice president.”

Maraming nagulat nung inamin ni Kris na binalaan na niya si Poe tungkol kay Senador Escudero.

Kinuwento ni Kris na tinatawag na “my little puppet” ni Escudero si Poe dahil umano sa malakas na impluwensiya nito sa senadora. “I told Grace already that Chiz calls her little puppet. Ewan ko ba,” ang rinig ng source sa usapan ni Kris.

“Mukha talagang kinukumbinse rin ni Kris na tanggapin ni Grace ang offer ni PNoy, pero halata sa usapan nila na si Chiz ang sagabal,” dagdag ng source.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …