Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpasok sa politika ni Luis, suportado ni Angel

020215 angel locsin luis manzano
HINDI pinghahalo ni Luis Manzano ang pera at pag-ibig.

“Ako kasi hindi ko inihahalo talaga ang pera at saka love. As of now, parang ayoko talaga. Ganyan kami ni Angel,”sabi niya nang matanong siya sa presscon ng The Voice Kids semi-finals kung tatanggapin niya ang campaign money from Angel Locsin kung sakaling tumakbo siya.

“’Pag kami lumalabas split kami sa pera, split kami sa check. Kunwari kumakain kami sa labas na ako nagbabayad, the next siya kailangan siya talaga. Ayokong haluan ng pera ‘yung sa aming dalawa and we’re both very… hindi naman wise pagdating sa pera pero may ganoon kaming issue. Naniniwala kami na…kunwari nag-vacation for a while, hati talaga kami, we split,” chika niya.

Hindi rin siya naniniwala sa pre-nup.

“May tiwala naman ako kay Angel. Second, definitely mas maraming pera sa akin si Angel, kaya kong sabihin ‘yon. Kung anuman ang mayroon ako ay katiting lang sa mayroon siya so, ang kapal ko naman humingi ng pre-nup.”

Pero inamin niyang todo suporta ang ibibigay sa kanya ni Angel kapag nag-decide siyang tumakbo sa politika.

“Sinabi sa akin ni Angel ‘yan. Hindi ko lang inaasahan, siya pa ang nagsabi sa akin na ‘Kulit, kung sakaling itutuloy mo ang pagtakbo mo I’ll be behind you’,” say niya.

Bilang host ng The Voice Kids Season 2, naniniwala si Luis na ang anim na finalists—Kyle Echarri and Zephanie Dimaranan from Team Sarah; Elha Nympha and Sassa Dagdag from Team Bamboo; and Reynan Del-anay andEsang De Torres from Team Lea, ay nakarating na sa stardom.

“Iba na sila. Kumbaga, they are so close to their dreams na they’re different individuals from the first day they set on stage. It makes us proud to be part of that journey,” say niya.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …