Sunday , December 22 2024

Ineng signal no. 2 sa Batanes at Cagayan

NAPANATILI ng Bagyong Ineng ang kanyang lakas habang papalapit sa pinakataas na bahagi ng Hilagang Luzon. 

Batay sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong11 a.m. nitong Miyerkoles, itinaas ang Signal No. 2 sa Batanes Group of Islands at Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands. 

Habang nakataas ang Signal No. 1 sa Isabela, Kalinga, Apayao, Abra, at Ilocos Norte. 

Taglay pa rin ni Ineng ang lakas ng hanging nasa 180 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 215 kilometro bawat oras. 

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 23 kilometro bawat oras.

Huli itong namataan sa layong 800 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan o 815 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan. 

Nakataas na ang gale warning sa eastern seaboard ng Luzon, nangangahulugan na delikado para sa mga sasakyang pandagat ang pumalaot. 

Ayon sa Philippine Coast Guard, suspendido na ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat mula at patungo sa mga lugar na nakataas ang Signal No. 2.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *