TALAGANG sikat na si Yaya Dub. May isa nga na nagpanggap na siya si Bb. Gandanghari sa Twitter at nag-post ng message na ipinapakuha ni Daniel Padilla ang real name niya.
Agad-agad na ipinagtanggol si Yaya Dub ng kanyang sandamakmak na fans. Ang feeling kasi nila ay pinaiinit ng isang kampo ang issue para i-bash si Yaya Dub ng KathNiel fans.
“Badtrip itong poser na ito. Pinapadama pa hater ni Maine para sa sarili niyang agenda eh. Shunga ba si Bb para sabihing yung pamangkin niya pa nagpapatanong eh may kaloveteam yung tao at alam na yung magiging reaksyon ng mga fans nun. Kainis.”
“Gusto lang yata nilang ibash ng mga war freak fans ng kathniel si maine… Wag naman.”
“Obviously yang poser na yan ayaw pareho sa KN at AlDub kaya ayan! Hay naku! People these days talaga!”
“Ganyan tlga pag mas sikat, pilit na bubuwagin pra mag number 1 ulit ang lab team nila. Siempre mgagalit ang mga Kathryn followers ke Maine dhil may crush kuno si Daniel s knya, kaya ibabash nila ito.Eh kaso may pinag aralan at mayaman tlga si Yaya Dubs kaya deadma lang sia sa mga strike ground bashers.”
Naku, sino kaya ang poser ni Bb. Gandanghari kaya pati si Yaya Dub ay gustong pagtripan?
UNCUT – Alex Brosas