Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilusyon ng fans sa AlDub, binabasag?

081915 yaya dub Maine Mendoza Alden Richards
ISANG demolition job ang tingin ng marami sa social media sa paglabas ng photo nina Alden Richards at Maine Mendoza, now popularly known as Yaya Dub.

Napiktyuran ang dalawa during a Candy Magazine event noong 2010 na isa si Alden sa Candy Cuties. Medyo blurred ang photo na lumabas sa isang popular website kaya naman may nakaisip na  photoshopped ang kanilang litrato.

Ang tanong nila, bakit ngayon pinalabas ang litrato, para basagin ang ilusyon ng mga tao na never pang nagkita sina Alden at Maine?

In his recent interview ay sinabi ni Alden na never pa silang nagkita ni Maine.

Ang nasa isip tuloy ng mga tao sa social media ay pakana ng ABS-CBN ang paglabas ng photo para sirain ang ilusyon na never pang nagkita ang dalawa.

Hindi naman gagawin ‘yon ng ABS-CBN, ‘no, kahit na inilampaso na ang It’s Showtime na nag-single digit na sa rating.

Anyway, walang nakuhang negative comment ang paglabas ng AlDub photo na ‘yon kundi puro praises.

“edited man o hndi.., point is napapasaya kami ng aldub.. hndi yng pagkikita nila o yng tamang panahon yung inaabangan ko.. kundi yng rawness. yung naturalesang pagpapasaya.. pati na rin yng mga taong relate na relate sa kanila bata man o matanda.. haist sarap ng feeling ng mainlove.. kaya sa mga basers please lng.. sa aldub na nga lng ako kinikilig.. sinasabutahe nyo pa.

“KUNG INAAKALA NIYOOOO NA ANG ALDUB FEELINGS AY MAGBABAGOOOO.. ITAGA NIYO SA BATOOOO.. LALO LANG KAMING KINIKILIGGGG!!!!!”

“Hahahahahahaha I GUESS THIS IS THE REASON WHY YAYADUB REACTED THAT WAY LAST JULY 16 WHEN SHE FINALLY SAW ALDEN. It was a dream come true! Sorry ABS, the thrill to see them meet AGAIN raves the fans even more!”

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …