PARANG hindi naman kami makapaniwalang sobrang isnabera at supladita itong si Julia Barretto.
Mayroon kasing umiikot na chika sa showbiz na super isnabera raw itong si Julia. Kapag dumarating daw ito sa set ng kanyang teleserye ay wala raw itong binabati sa cast, pati nga raw ang mga senior cast members ay nakatitikim din ng pang-iisnab mula sa kanya. Ni walang beso-beso, walang chika-chika kapag dumarating daw ang pamangkin ni Gretchen Barretto.
Deadma na lang daw ang mga senior cast member dahil kapag take na raw ay lihim nilang pinagtatawanan ang dalaga dahil ‘di naman ito makaarte ng tama. Kung ilang takes pa raw ang kailangan para lang ma-perfect ni Julia maski na ang isang simpleng eksena. Tumatagal daw palagi ang taping dahil sa kanyang paulit-ulit na take.
Ang higit na ikinaloka ng cast members ay nang minsan silang mag-report sa set na wala na ang kanilang director. May bago ng pumalit dito.
May kinalaman ba si Julia sa pagpalit ng director? Nagsumbong ba siya sa management kaya pinalitan ang directed by nila?
Julia, sumagot ka, now na!
UNCUT – Alex Brosas