NAAAWA kami kay Bing Loyzaga.
Hindi lang daw isa kundi dalawang beses siyang tsinugi ngABS-CBN sa dalawang teleserye.
Nakapag-shoot na raw si Bing ng isang soap opera sa Dos at nang ma-preview ito ng mga executive ay hindi nila feel ang kanilang nakita. Wala namang problema sa acting ni Bing, ang napansin nila ay masyubis (mataba) daw ito. So, tsinugi siya sa soap.
Then came another teleserye, ‘yung kasama si Allen Dizon. Mother ang role ni Bing. Nakailang taping na rin siya hanggang ma-preview na ito ng executives ng network.
Again, napansin na naman ang excess weight ni Bing. Again, ipinatsugi raw ito.
Sobrang na-depress daw ang aktres kaya ayun, lafang daw ito ng lafang.
True ba ito, Bing?
Anyway, napansin ng friend namin na mayroon din namang matabang aktres na hindi naman tsinutsugi sa soap gaya ni Arlene Muhlach. Isa pa, mother role naman ang gagampanan ni Bing so ano ang problema roon?
Si Sharon Cuneta nga na pagkataba-taba pa rin ay pinabalik ng Dos, ‘no!
What’s wrong with being fat?
Anyway, ang balita namin ay si Carmina Villaroel ang pumalit kay Bing.
UNCUT – Alex Brosas