Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatlong Pinay wagi sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships

Irish Magno, Josie Gabuco at Nesthy Petecio

ITINATAK sa isip nina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang kanilang galing sa kani-kanilang kalabang taga-Uzbekistan para umabante sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships sa Wulanchabu Sports Gymnasium sa Wulanchanbu, China nang nakaraang linggo.

Kinailangan lamang ni Gabuco, ang 2012 AIBA world champion, ng tatlong round para idispatsa si Atakulova Gulasal sa kabila ng tangka ng Uzbek na bumawi sa laban ngunit sadyang dinomina ng Pinay ang karibal nang sunod-sunod na left hook.

Sa ikalawang yugto ng sagupaan, naipagpatuloy ng tubong-Palawan, na nagwagi ng apat na gintong medalya sa Southeast Asian Games (SEAG) nitong Hunyo sa Singapore, ang kanyang pag-atake sa salitang hook at straight sa ulo ni Gulasal para bigyan ng standing eight-count tungo sa pagwawakas ng round.

Labis pa ang nasaksihan ng mga hurado sa ikatlong round sa sunod-sunod pang right straight at left hook ni Gabuco na nagbunsod sa referee na bigyan ng dalawa pang standing eight-count ang Uzbek para iselyo ang panalo ng PLDT-ABAP boxer na TKO victory.

Sa kabilang dako, napaharap naman si Petecio sa mas agresibong katapat na si Aziza Yakubova, na sa buong laban ay panay ang sugod sa Pinay sa tangkang siya ang magdikta ng takbo ng kanilang laban.

Ngunit kinontra ng pambato ng Davao del Sur ang pagpupursigi ni Yakubova ng matitinding right hook na yumanig sa Uzbek, para tumanggap ng dalawang standing eight-count sa opening round pa lang.

Kinailangan lang ni Petecio ng 30 segundo sa ikalawang round para umani ng TKO win para sa koponan ng Filipinas.

Sa unang araw ng kompetisyon, nagwagi si Irish Magno kontra kay AIBA World Youth champion Lin Yu Ting ng Chinese-Taipei sa labang tumagal nang apat na round.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …