Sunday , December 22 2024

Naaksidenteng Valisno bus kolorum

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may problema ang rehistro ng naaksidenteng bus ng Valisno Express.

Apat ang patay habang mahigit 30 ang sugatan makaraan bumangga ang naturang bus sa arko ng boundary ng Caloocan City at Quezon City sa Quirino Highway nitong Miyerkoles.

Sinasabing bago nawalan ng kontrol ang driver nito ay makailang beses siyang sinita ng mga pasahero dahil sa matulin at pagewang-gewang na pagpapatakbo. 

Habang depensa ni LTFRB chairperson Winston Ginez, walang humpay ang kanilang inspeksyon sa mga bus company.

Alinsunod aniya ito sa mandato nilang makapagsiyasat ng 100,000 bus units sa buong bansa, na isa sa mga kapalit ng pondong iginawad sa kanila ng Department of Budget and Management (DBM). 

Maaari aniyang hindi lamang napasama ang Valisno sa unang batch ng mga nasiyasat na kompanya.

“Mga random po kasi (na inspeksyon) ang ating ginagawa at hindi natin ‘yan (bus companies) nadadaanan lahat. At ang mga ito ay maaaring naka-schedule pa. Pero handa po kaming magbigay sa inyo ng reports ng lahat ng nadaanan na natin, mga nainspeksyon na po ng ating inspection team,” ani Ginez.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *