Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, aminadong na-offend sa pagkuwestiyon ni G. sa kanyang best actress award

081415 aiko melendez
NAG-REACT si Aiko Melendez sa isyu sa kanila ni G Toengi na magbabalat-kayo ba siya ‘pag nasalubong niya ang aktres?

“Una sa lahat, wala naman akong inumpisahang pagbabalat-kayo so the explanation should not come from me and whatever she said might be…paano ko na sasabihin ito.. Eversince naging madiplomasya akong tao. Gusto ko pa ring intindihin si G sa statement niya na hindi mahanap ‘yung link ‘yung pagkakapanalo ko ng best actress sa London. Gusto ko pa ring lawakan ‘yung pag-iisip ko na baka naman pin-Facebook niya ‘yun, nag-ask siya na, ano raw bang award giving body ‘yung pagkakapanalo ko sa ‘Asintado’. Gawa-gawa ba ‘yun o ano?

“Una sa lahat, ang mahal namang magpagawa ng pounds na awards giving body. Gusto ko pa rin siyang intindihin. Pero ako, I always believe na ‘pag mayroon akong kapwa-Filipino na nanalo sa ibang bansa, you should be happy, because you’re carrying our country’s name. You’re bringing pride and joy,” sambit pa niya.

“So, ako kesehodang sa dulo pa ‘yan o napakaliit pa ‘yan na award giving body sa ibang bansa, you should be happy,” sambit pa niya.

“I hope someday ma-realize niya niya  ‘pag nagka-award din si G Toengi, sana maging masaya rin tayong lahat,” aniya pa.

“Hindi ko kaaway si G. Hindi kami magkaaway,” sey pa ni Aiko.

Noong una na-offend siya sa post ni G pero inunawa na lang daw niya dahil hindi niya alam kung ano ang emosyon ni G noong i-post nito ang pagku-question sa pagkapanalo niya. Nagkasama raw sila rati sa pelikulang Kahit Kailan. Alam naman daw ni G ang number niya kaya nagtanong na lang sana siya kaysa nag-post sa social media.

Sa mga hindi nakaaalam, nanalo si Aiko ng Best Actress in a Foreign Language Filmaward sa International Filmmakers Festival of World Cinema sa London para sa pelikulang  Asintado (Between The Eyes) na idinirehe ni Louie Ignacio. Hindi naman daw niya hiningi ang award na ‘yun para tanungin ni G. Katunayan, hindi niya personal na natanggap ito dahil abala siya sa taping sa ABS-CBN noong mga panahong ‘yun kaya si Direk Louie ang tumanggap kasama ang producer na siFerdinand Lapuz.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …