Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beyonce bumili ng £200k na sapatos

081315 Beyonce £200k shoes
BUMILI si Beyonce Knowles ng pares ng sapatos na nagkakahalaga ng £200k, o mahigit 14 milyong piso.

Hindi pa lang makompirma kung kasama rin sa pagbili nito ang isang Range Rover.

Ang napaulat na ‘outrageous purchase’ ay ginawa ng pop icon sa Birmingham—ang katapat ng American Rodeo Drive sa United Kingdom, na binilhan ni Bey bago magsimula ng kanyang video shoot.

At ano nga ba ang kakaiba sa sapatos na nagkakahalaga ng £200k? Aba, mga brilyante umano.

Sa katunayan, sa ganitong presyo ay makaaasang mayroong mamahaling mga hiyas para sa isang pares ng sapatos.

Tumpak, ang heels nito’y binudburan ng ilang piyesa ng makikinang na bato na sina-sabing magpapakinang na parang tunay na bituin ang misis ni Jay Zsa kanyang bagong video.

Ang glittery heels ay disenyo ng British designer na si Christopher Michael Shellis, na mula rin sa Birmingham, at may offer pang 1,000-year guarantee.

Nakatutuwa sigurong malaman na ang iyong sapatos ay may mas mahabang life expectancy.

At nakatutuwa rin ang pahayag ng pamosong shoe designer.

Sabi niya sa Birmingham Mail: “Ito ang ultimate, isa si Beyonce sa mga fantasy customer. Kung nais mong imodelo ng sinoman ang iyong mga likha, wala nang iinam pa kay Beyonce. Sinabihan ako na ang mga stiletto ay para sa susunod ni-yang video na lalabas na taglagas (autumn).”

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …