Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, kulang pa sa ‘L’ ang sayaw!

060415 alden richards
HINDI dapat maalarma o ma-threaten man lang ang ASAP sa bagong Sunday noontime show ng Siete na pinangungunahan ng dalawang laos na sina Ai Ai delas Alas and Marian Something.

“Parang cheap siya na ‘Banana Split’.”

Ganyan kung i-describe ng friend naming si Ernie ang show na nag-pilot last Sunday. Para kasi itong smorgasboard, pinaghalong comedy skit, kantahan, at sayawan.

Bilang pasabog, guests nila ang laos na si Christian Bautista, ang wala na ring kinang na si Jessica Sanchez, ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Hindi masyadong nakatatawa ang mga comedy skit. Maski ‘yung kay Ai Ai ay hindi kami natawa. ‘Yung kay Alden Richard na dance number ay kulang pa sa L. He can’t dance the way Enrique Gil dances. Walang-wala siyang binatbat kay Enrique na super sexy kapag sumasayaw.

Parang naghihintay ang mga cast member sa kanilang spiel. Parang nagsasapawan sila at halatang binabasa ang nasa idiot board.

Si Marian, kulang na kulang pa rin sa grace kapag nagho-host. Parang palengkera itong sigaw ng sigaw.

That said, nararamdaman naming pakakainin lang ng alikabog ng ASAP ang bagong Sunday noontime show ng Siete. Hindi sila nakaaaliw. Wala silang binatbat sa ASAP.

Actually, hindi talaga dapat mapasama si Regine Velasquez sa show na ito. Hindi siya nababagay sa ganitong programa kaya dapat lang niyang tanggihan ang show.

Apparently, nakikisimpatya si Regine sa mga natanggal na singers sa SAS kaya hindi niya tinaggap ang show.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …