SA isang blog kamakailan lang, isinulat ni Singapore Minister of National Development Khaw Boon Wan ang pagkakadiskubre ng dalawang bagong plant species ng mga researcher ng Singapore Botanic Gardens.
Binigyan ng scientific term bilang Hanguana rubinea at Hanguana triangulata, sinabi ni Khaw na “ang dalawang species ng halaman ay hindi lang bago sa siyensiya kundi matatagpuan lamang sa Singapore!”
Nadiskubre ang mga ito ng mga siyentista matapos mapansin ang pagkakaiba nila sa ibang mga halaman, ayon sa blog post.
Ayon kay Khaw, ang pagkakadiskubre ng dalawang bagong species ay mahalaga dahil inakala dati ng mga bo-tanist na nag-iisa lang na species ng Hanguana malayana na tumutubo sa Singapore.
Isinulat din ng ministro na maaaring hindi napansin ang bagong plant species ng mga dumadalaw sa Bukit Timah o MacRitchie walking paths na kinatagpuan nito.
Napaulat din na may iba pang mga nadiskubre sa nakalipas na panahon, kabilang ang 30 species ng halaman na pinaniniwalaang ubos na o extinct sa Singapore at ngayo’y muling nadiskubre.
Kinalap ni Tracy Cabrera