Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquaio kay Mayweather: ‘Huwag na natin patulan’

032315 pacman Floyd Mayweather

ITO ang naging reaksiyon ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao sa patutsada ni Floyd Mayweather Jr., kaugnay ng laban ng American pound-for-pound king kontra kay two-time welterweight champion Andre ‘The Beast’ Berto.

“The difference between Berto and Pacquiao is you guys put all the hype in Manny. But this fight is a very intriguing matchup,” wika ni Mayweather.

Iginiit ng tumalo kay Pacquiao na salungat sa sinasabi ng kanyang mga kritiko, karapatan niya umanong pumili kung sino ang kanyang makakalaban.

Ayon kay Mayweather, may warranty ang kanyang laban kay Berto dahil tinalo niya na ang lahat ng pinakamagagaling na challenger, kabilang na ang Pambansang Kamao.

“‘I think your biggest fighters in the sport are Canelo (Alvarez), Pacquiao, (Miguel) Cotto and Mayweather. So if I beat them, I already beat all the top guys in the sport, and I’ve been doing this from day one,” pahayag ni Mayweather sa Boxing Scene.

Idinagdag ni Mayweather na siya ang ‘last man standing’ sa welterweight (division) at gayon din sa junior middleweight, na siya umanong dahilan kung ba-kit nagkakaproblema siya sa paghahanap ng kalaban.

“‘There is only one fighter who stands out alone—Floyd Mayweather. So I think that I can choose whoever I want to choose to fight,’” aniya.

Kabilang sa naging kritiko ni Mayweather sa pagpili kay Berto ang boxing writer ng Sports Illustrated na si Chris Mannix.

Ayon kay Mannix, maraming mga katunggali si Mayweather sa welterweight division na mas dapat na pinili ni Mayweather—tulad nina Amir Khan, na una na rin naghamon sa wala pang talong kampeon, at ang wala pa ring talong si Keith Thurman.

“Sa listahan ng mga ka-laban at makakalaban ni Mayweather,” sinulat ni Mannix, “si Berto ang worst.”

Tinawag ni Mannix si Berto na “has-been ex-champion na 3-3 sa huling anim na laban, at hindi naging relevant simula nang kanyang Fight of the Year-type brawl kay Victor Ortiz noong 2011.”

Samantala, tinugon ni Pacquiao si Mayweather sa sariling patutsada: “Alam natin kung sino siya.”

Natalo man si Pacman kay Mayweather sa nakakawalang ganang unanimous decision, sa sambayanang Filipino at maging sa maraming boxing fans sa mundo ay nananatili sa kanilang kampeon ang People’s Champ.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …