Saturday , November 16 2024

Gerald, pinuno ang PICC kahit may kasabay na malaking artista

081115 gerald santos
MAY malaking himala ang nangyayari ngayon sa karir ni Gerald Santos dahil zooming high as in, buhay na buhay ito kahit wala siyang TV show o nakakontrata sa isang network. Ang sobrang tagumpay ng kanyang concert sa PICC ay ina-attribute niya sa pagganap nito bilang Padre Calungsod.

“Hindi siya pinabayaan. Sinong artista ang makapupuno ng nasabing venue na wala man lang TV exposure o network o malaking production na nag-back-up? Kahit gaano kagaling ang isang artist kung walang back-up na malaki ay sobrang mahihirapan. But Gerald, sobrang matagumpay niyang nairaos ang concert sa PICC last,” kuwento ng manager ng mang-aawit na si Cocoy Romilo.

Sa ngayon, lagare talaga si Gerald sa kanyang karir at pang-all-over ‘Pinas na ang scope nito. Pabalik-balik sa mga probinsiya ang drama niya na kung hindi mall shows ay abala sa stage play na Calungsod.

Tulad ngayon, isang buwang nilibot ng Calungsod ang Davao at bumalik lamang noong sa August 8 para sa My Time concert bilang special guest na ginanap sa Central Park Garden Cafe and Restaurant sa Lucena City. Kasama niya roon sina Aimee Torres, original singer ng Pusong Bato; Hazel Mae Ursais, TFC-Kuwait Singing Grand Champion; at mga baguhang sina Julius Obregon, Alexis Paul Abrenica, Isha Valdez, at Roan Isaac. Ang nasabing palabas ay handog ng Triple-A Abrenica Film Production in cooperation with Sine Community Artist Production.

Kasunod naman dito ang kanyang show sa La Salle Gymnasium sa Agosto 30 at malayo pa ang December pero nakahanda na ang kanyang Christmas concert na gagawin sa Music Museum sa December 2. Kasabay dito ang nationwide promotion ng kanyang latest album na  Gerald Santos .. Kahit Anong Mangyari na naglalaman ng 10 original songs. Pinaplano din ang pagkakaroon nito ng regular TV show sa isang malaking network.

Kasabay din dito ang paggawa ng pelikula ng Prince of Ballad at nasimulan na nila ito sa pamamagitan ng paggawa ng TV music video entitled Kahit Anong Mangyari kapareha si Michelle Vitug. Ito ay idinirehe ni Cocoy na siya ring director ng Calungsod at sumulat ng script.

And speaking of movie, interesado ang producer ng Triple A Abrenica Film na si G. Abel Abrenica na isama si Gerald sa kanilang ginagawang pelikula ngayon. Posibleng magbago ang plano at bibigyan siya ng solo movie. May himala nga!

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *