Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

APT, mas bibigyang priority ang movie nina Alden at Yaya Dub

081015 alden yaya dub jasmine
MUKHANG hindi na si Jasmine Curtis ang priority ngayon ng APT Entertainment dahil hindi na raw matutuloy ang movie nila ni Alden Richards.

True ba na shelved muna ang  project  ng dalawa to give way to a movie starring Alden and the now popular Yaya Dub or  Maine Mendoza?

Apparently, sina Alden at Yaya Dub ang priority ng producer para pagsamahin sa isang movie. Sikat na sikat kasi ang dalawa at phenomenal ang kanilang popularity sa telebisyon. Marami ang kinikilig sa kanila sa noontime show ng Siete.

Kaya lang, hindi rin magandang naetsapuwera bigla si Jasmine. Imagine, siya ang dapat makakasama sa movie pero biglang naungusan ni Yaya Dub. Ang sakit niyon, ha.

Ano naman kaya ang magiging reaction dito  ni Anne Curtis na sister ni Jasmine?

Actually, malaking sugal pa rin kung matutuloy ang AlDub movie dahil hindi pa sila subok sa paggawa ng movies. Yes, click na click sila bilang love team sa TV pero iba ang pelikula kasi magbabayad na ang manonood.

Will AlDub’s popularity on TV translate to box office? Well, we will see.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …