Sunday , December 22 2024

Mar Roxas nagpaalam na sa DILG

0804 FRONTHINDI pa man pormal na nagbibitiw bilang kalihim ng DILG ay nagpaalam na si Secretary Mar Roxas sa mga kasamahan niya sa ahensiya kasunod ang pag-endorso sa kanya bilang kandidato ni Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang linggo.

Sa lingguhang flag ceremony ng PNP, sinabi ni Roxas na marami pang plano para sa mga ahensiyang nasa ilalim ng DILG, ngunit kailangan na niyang ipagkatiwala ito sa iba.

“God protect you and keep you in His embrace,” sabi ni Roxas. “It has been my pleasure and a great honor to serve with you. I give you my snappy salute.”

Dumating ang kompirmasyon na bababa na sa DILG si Roxas pagkatapos sabihin ng Palasyo kamakailan na “hindi na kailangang hingin pa” ang pagbibitiw ni Roxas dahil may delicadeza siya at respeto sa kanyang puwesto.

Maraming observers ang naniniwalang ginawa ito ni Roxas para hindi mabahiran ang kanyang rekord sa mga alegasyong gagamitin ang puwesto para sa pangangampanya.

Sinabi ni Roxas na balak niyang makipagpulong kay PNoy para pag-usapan ang transition phase ng kagawaran.

May agam-agam naman si PNoy sa pagbaba agad ni Roxas sa DILG. “I might even prevail on him to stay on the post a little longer to finish a lot of the things that are being done,” sabi ng Pangulo.

Inamin din ni PNoy na napakaraming magandang proyekto sa ilalim ng DILG tulad ng “Oplan Lambat Sibat” ng PNP at ang patuloy na pagpapaganda ng mga kagamitan nito.

Binanggit din ng Pangulo ang paglilipat ng mga informal settler families na nasa mga delikadong lugar, isang proyektong nasimulan na noong 2011 sa ilalim ng yumaong kalihim na si Jesse M. Robredo.

 “Kung sa transition madaragdagan ‘yung time, medyo major interest ko ‘yun. So I would like him to finish a lot of things that can be finished before leaving the post and having the transition period,” dagdag ni PNoy.

Pagbibitiw pipigilan

PIPIGILAN ni Pangulong Benigno Aquino III na magbitiw bilang Interior secretary si si Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

“I might prevail on him to stay in the post a little longer to finish a lot of the things that are being done,” sabi ng Pangulo sa media interview makaraan ang seremonya ng ika-111 anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Aniya, maraming programa pa ang dapat resolbahin ni Roxas sa Philippine National Police (PNP) at ang pabahay pa para sa mga informal settlers bago siya magbitiw bilang kalihim ng DILG.

Kahapon ay nagpaalam na si Roxas sa PNP dahil kailangan na niyang paghandaan ang pagtakbo sa 2016 presidential polls.

Ikakampanya ni PNoy

MAGIGING aktibo si Pangulong Benigno Aquino III sa pangangampanya para kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

“Ang dating ng mga kritiko, dapat ‘wag ako mangampanya. So ‘pag Presidente ka ng Republika, dapat wala ka nang opinyon?” ayon sa Pangulo kahapon hinggil sa magiging papel niya sa Roxas presidential campaign sa 2016 elections.

Bilang nag-endorso kay Roxas, dapat aniyang samahan para ipaliwanag sa publiko ang kanyang plataporma.

Ngunit tiniyak ng Punong Ehekutibo na hindi gagamitin ng administration party ang pondo ng gobyerno sa pangangampanya ni Roxas.

“Have we ever done that? Bago mag-akusa, meron ba kaming tradisyon na ganoon?” sabi ng Pangulo.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na magkakaroon ng “unified ticket” sa 2016 elections kahit ilang beses nang nabigo ang mga pagtatangka na kombinsihin sina Sens. Grace Poe at Francis Escudero para sa mga plano sa nalalapit na halalan.

“We are still hoping. We still want to have that very unified group that will preserve the coalition as much as possible that can ensure the victory of the agenda,” pahayag ng Pangulo nang tanungin kung hinihikayat pa rin si Poe na makatambal ni Roxas sa 2016 elections.

Matatandaan, ilang beses nang nakipagpulong ang Pangulo kina Poe at Escudero ngunit hindi niya nahikayat sa isinusulong na unified ticket sa eleksiyon sa 2016.

Inamin din ni Poe na kinokombinsi siya ni Pangulong Aquino na maging vice presidential candidate ni Roxas

Si Roxas ay opisyal nang inendorso ni Pangulong Aquino bilang kanyang presidential bet sa 2016 ngunit hanggang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang makatatambal na bise presidente.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *