Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nagmaganda sa Yes! Magazine

080315 kris aquino

TALAGANG deliberately ay inisnab ni Kris Aquino ang Yes! Magazine party.

Pinagmukhang tanga ni Kris ang mga executive ng magazine dahil hindi siya dumating. Imagine, siya ang pinakahihintay ng lahat dahil siya ang nanalong Most Beautiful Star pero wala siya.

Ang say ni Kris, nasa SONA kasi siya kaya hindi siya makaapir sa awards night. What a lame  excuse, ha.

Kung gugustuhin naman ni Kristeta na umapir ay makakahabol naman siya. Tapos na ang SONA nang magsimulang magdatingan ang mga celebrity. Hindi naman malayo ang venue sa pinagdausan ng SONA, puwede naman niyang gamitin ang motorcade para hindi siya matrapik.

Grabe ang preparation ng magazine for their anniversary celebration pero deadma lang si Kris, wala siyang pakialam. Talagang nagmaldita siya.

Actually, three weeks ago pa lang ay alam na ni Kris na siya ang Most Beautiful Star awardee dahil naispatan ang writer ng Yes! Magazine na si Anna Pingol na nasa Aquino & Abunda set at iniinterbyu si Kris.

Kaya lang, nagmaganda nga ang TV host at hindi  binigyang halaga ang kanyang award. Pahiyang-pahiya ang magazine executive dahil inisnab sila ng kanilang awardee.

 UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …