TAGLAY pa rin ni Richard Gomez ang kakisigan kaya naman kahit si Bea Alonzo ay puwede pa ring i-partner sa kanya bukod kay Dawn Zulueta sa The Love Affair na showing sa August 12. Nag-enjoy tuloy siya sa shooting ng naturang pelikula.
“Kaya lagi akong masaya ‘pag dumarating ako ng set kasi ‘pag wala ‘yung magandang Dawn Zulueta nandoon naman ‘yung magandang Bea Alonzo. And then as an actor it inspires us. Ang sarap niya katrabaho ‘yung hindi lang magaganda, ang gagaling pang artista.
“Actually nag-enjoy ako working with Bea. She’s a very fine actress and ang ganda ng maturity niya. Ang sarap niyang katrabaho sa mga eksena na ginagawa namin and hindi nakaka-conscious na katrabaho siya.
“At bilang isang artista hindi mo dapat iisipan na naging Best Actor na ako. Dapat every time you come to the set dapat iniiwan mo sa bahay ‘yung mga trophy na ‘yun, ‘yung mga pinanalo mo. You should always come parang fresh start palagi sa isang project o pelikula,” bulalas ni Goma sa presscon ng The Love Affair.
Bagamat dalawang beses naaksidente si Bea sa sailing scene ng nasabing pelikula (una tumama ‘yung katawan sa bakal kaya nagkaroon siya ng maraming pasa. At sa sunod nag-capsize tapos ‘yung ulo naman ang tinamaan). Naging suki tuloy siya ng ER pero natuto siya.
“Magaling talaga siya. She trained lots of times. Ilang days ‘yun, over 10 training days so that’s more than enough to learning to get good on it. Tapos puro lang practice and practice during the shoots. Kaya nga there was a time sabi ko, ‘Bea ikaw na muna magpatakbo, matutulog lang muna ako,’” kuwento ni Richard.
Gentle naman ang love scene nila ni Bea kompara kay Dawn na may eksena sila na hinawakan ni Richard ang boobs ni Dawn habang nagtatalo.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro