IPASASARA ng Netherlands ang walong bilangguan sa kanilang bansa—dahil walang sapat na bilang ng mga kriminal para ikulong sa nasabing pasilidad
Ayon sa justice ministry ng bansang ito, lubhang napakalaki ng espasyo sa kanilang prison system habang walang sa-pat na dami ng tao na maikukulong.
May espasyong mailalaan para sa hindi kukulanging 14,000 katao sa kanilang mga kulungan, ngunit mayroon lamang 12,000 na kasalukyang nakalagak sa pri-son system ng bansa.
Samantala, naitala sa mga pag-aaral na ang Bastoy Prison sa Norway ang masa-sabing pinaka-luxurious na bilangguan sa mundo. Ang Norwegian minimum security prison colony ay matatagpuan sa Bastoy Island sa kalagitnaan ng Oslofjord. Mayroon ngayong kulang sa 100 inmate naninirahan sa maliliit na kubo at nagtatrabaho sa prison farm.
Ang mga preso rito ay pinapayagang mag-sunbathing bukod sa paglalaro ng tennis, pamimingwit at horseback riding bilang pampalipas oras.
Pumapangalawa sa Bastoy Prison ang Her Majesty’s Prison Addiewell na nasa southern Scotland.
Itinatag bilang learning prison, ito ay pinapangasiwaan ng pribadong kompanyang Sodexo Justice Services.
Binibigyan dito ang mga nakakulong ng 40 oras kada linggo para sa ‘purposeful activity’ na ang layunin ay makapagbigay sa kanila ng job skills para magawa nilang makabalik sa buhay sibilyan.
Ikatlong pinaka-luxurious na bilangguan ang Otago Corrections Facility sa New Zealand, na may iisa lamang entrance at pinapalibutan ng electrical fence.
Lahat ng dumadalaw sa pasilidad ay sumasailalim sa x-ray—bukod pa sa pagmamantina ng cell phone jammer at microwave sensor.
Komportableng-komportable ang mga silid para sa mga preso at dumaraan pa sila sa rehabilitasyon sa pamamagitan pagtuturo ng mga job skills sa light engineering, dairy farming at pagluluto.
Kinalap ni Tracy Cabrera