Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkain ng itlog, nakapagpapahaba ng buhay sa GRR

020615 grr

SINO ba ng makalilimot sa singer na todo kung bumirit at nagpasikat ng kantang Tukso na si Eva Eugenio? Tuwing mapakikinggan ang awit ay tiyak na mapapa-Eva Pa More kayo.

Ang nabanggit na awiti’y naghatid kay Eva sa tagumpay dahil noong panahong isinaplaka niya ito’y itinanghal na blockbuster at sumira ng record ng ibang plakang kasabay na-release. Mahigit tatlong dekada na ‘yon at sa pakikipanayam kay Ms. Tukso ni Mader Ricky Reyes sa programa ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na ‘Toh (GRR TNT) ay ibibida niya ang mga pinagdaanang masasaya at malulungkot na karanasan sa buhay.

Kundi ninyo alam, inirerekomenda ng mga holistic doctor ang pagkain ng itlog sa mga may sakit na cancer, diabetes o alta presyon.  Pinabulaanan nila na ang itlog ay may cholesterol. Ang pagkain ng tatlo hanggang walong itlog (hindi man nakapagpapagaling) ay nagpapahaba ng buhay ng kanilang pasyente.

Samahan si Mader sa pagdalaw niya sa isang kainang naghahain ng ordinaryong itlog na ginawang kakaiba at mas ginawang EGG-citing dahil kakaiba ang luto at preparasyon.

Sisilipin din ng GRR TNT ang talyer ng carmaker/restorer na si Vince Mercado. Sa simula’y hobby lang ang pagbubuo at pagre-repair ng kotse. Lumao’y dumami ang mga nagpapagawa sa kanya at naging matagumpay na ang kanyang auto shop.

Laging ipinapayo sa mga buntis at bagong panganak ang paghigop ng sabaw na may lahok na malunggay. Sa pag-aaral ng sikat na kimiko sa isang laboratoryo sa Pilipinas ay natuklasang mabisa rin ang madahong gulay bilang sangkap ng hair shampoo at conditioner. Ang mga ito’y mabibili sa lahat ng Gandang Ricky Reyes Salon sa buong bansa.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision at napapanood tuwing Sabado, 9:00 a.m. sa GMA News TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …