Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay softbelles kompiyansang mananalo sa Big League World Series

073115 Philippine softball
KOMPIYANSA ang Philippine softball team na patungo sa Big League World Series sa Delaware sa tsansa nitong mabawi ang titulong napanalunan bilang kampeon tatlong taon na ang nakalipas.

Sa Philippine Sportswri-ters Association forum sa Shakey’s Malate, sinabi ni coach Ana Santiago na sapat ang naging paghahanda ng koponan ng Filipinas bukod sa pondong nalikom mula sa pangunahing mga sponor nito para maging positibo sa kampanya ng national squad na kinabibilangan ng reigning five-time UAAP champions Adamson Lady Falcons.

“Yes of course,” wika ng veteran mentor nang tanungin kung naniniwala siyang makapapasok ang pambansang koponan sa semifinals ng torneo.

Nitong nakaraang taon, nagtapos ang Pinay softbelles sa ika-apat na puwesto, na pinaniniwalaan naman ni Santiago na magbibigay daan ng tagumpay para sa national team. Ma-yorya ng miyembro nito ay na-nalo kamakailan ng gintong medalya sa ika-28 edisyon ng Southeast Asian Games sa Singapore.

“Iyong training na ginawa namin and sacrifices ng mga bata, I believe they deserve to be in the semis, and of course, in the finals,” anito.

Mayroon ding mahuhusay na pitcher ngayon ang mga Pinay.

“Sa softball alam naman natin ang first line of defense natin is pitcher. And ngayon mas preparado kami (pitchers),” dagdag ni Santiago.

Lumipad ang pambansang koponan patungo sa Sussex County, Delaware nitong Miyerkoles. Si Santiago ay naging coach din ng Team Manila nang mamayani sa torneo noong 2012 na tinalo ng Filipinas ang Westchester, California sa finals, 14-2.

At tulad din sa nakaraan, sinabi ni Santiago na ang California ang magbibigay ng pinakamabigat na oposisyon habang ang Puerto Rico at Michi-gan ay maaaring magpahirap sa kampanya ng mga Pinay.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …