Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naiibang Lorna T., mapapanood na sa Misterless Misis

073115 lorna tolentino misterless misis
INAABANGAN ang pagbabalik sa TV5 ng magaling na aktres na si Lorna Tolentino. Kasama kasi si Lorna sa newest weekend sitcom ng Kapatid Network na Misterless Misis NA makakasama niya sina Mitch Valdes, Gelli de Belen, Ritz Azul, showbiz newcomer Andie Gomez, at Ruffa Gutierrez.

Matatandaang napanood ang versatile aktres sa ilang shows at programs ng TV5 tulad ng Cassandra: Warrior Angel, Third Eye, Valiente, at Glamorosa. Napanood din si Lorna sa isang special episode ng Pidol’s Wonderland. Nagsilbi rin siya bilang isa sa judges ng Artista Academyna malaki ang nagong kontribusyon sa pagpili ng mga artistang inaalagaan ngayon ng TV5.

Ngayong balik pag-arte siya sa telebisyon, inaabangan ang naiibang Lorna dahil sa halip na drama ay magpapatawa ang versatile actress sa Misterless Misis. Matutunghayan ang galing niya sa paghirit ng mga punchline na sasabayan naman ng tatak-LT niyang pag-arte. Sa Misterless Misis, ipakikita ni Lorna ang realidad kung paano nabubuhay ang isang independent woman sa makabagong panahon.

Abangan ang muling pagbabalik ni Lorna sa TV5 saMisterless Misis, ngayong August 9 na!

 

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …