Thursday , December 19 2024

Ang ‘Living Goddess’ ng Nepal

050415 nepal
NANG tamaan ng malakas na lindol ang Nepal noong buwan ng Abril, napuwersa ang longest-serving ‘living goddess’ ng nasabing bansa na gawin ang ‘bawal’—maglakad sa kalsada sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya, wika ng ‘diyosa’ sa panayam ng AFP.

Sinusunod pa rin ang cloistered lifestyle na kanyang pinasukan noong edad 2-anyos pa lang, nagbukas ng saloobin si Dhana Kumari Bajracharya ukol sa mahabang pamumuno niya sa nakalipas na 30 taon, na bumanggit sa pasakit ng kanyang pagkakaalis sa trono noong 1980s.

Bago ang 7.8 magnitude na lindol noong nakaraang Abril 25, nagpakita lang sa publiko si Bajracharya habang sakay ng kanyang palanquin na inukit mula sa kahoy.

Naninirahan ang tinaguriang ‘living goddesses’ ng Nepal, na mas kilala bilang mga Kumari, nang tago sa mata ng mga tao at pambihirang nagsasalita sa harap ng publiko, nakatali sa kaugalian na pinagsanib ang mga element ng Hinduismo at Budismo.

Ngunit nang umarangkada ang malakas na pagyanig, na naging dahilan ng pagguho ng mga gusali at pagkamatay ng libo-libong tao, nilisan ni Bajracharya ang kanyang tirahan sa makasaysayang lungsod ng Patan, sa katimugan ng Kathmandu, sa unang pagkaka-taon sa loob ng tatlong dekada. At sa kauna-unahang pagkakataon din lumakad na hindi nakasakay sa kanyang palanquin.

“Marahil ay galit ang mga diyos dahil hindi na inirerespeto ng mga tao ang mga tradis-yon,” wika ng 63-anyos na kumari.

Habang winawasak ng kalikasan ang Nepal, na yumanig din sa tahanan ni Bajracharya, nanatili ang kanyang pamilya sa loob ng kanilang bahay, hinihintay kung ang retiradong Kumari ay lilihis sa tradisyon at maglalakad palabas kasabay sila.

“Hindi namin basta magawang lisanin ang bahay tulad ng iba, kinailangan naming isipin siya. Hindi namin malaman kung ano ang gagawin,” wika ng pamangkin ng kumari na si Chanira Bajracharya.

“Pero kapag pinuwersa ka ng kalikasan, nagagawa mo ang bawal,” dagdag ng dalaga.

Kinoronahan bilang kumari noong 1954, pinaniniwalaang siya ang kumakatawan sa Diyosa ng mga Hindu na si Taleju.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *