NAALIW kami kay Luis Manzano kung paano niya sinagot-sagot at inasar-asar ang isang basher na pinagsabihan siyang gay. Hindi raw na-hacked ang account niya kundi inamin niyang pinatulan niya talaga.
Kahit si Vice Ganda ay naaliw kay Luis.
Paliwanag pa ni Luis sa kanyang Twitter account.
“The gay issue is nothing new.”
“’Di naman gera ‘yun. It was just having a good laugh with someone filled with hate. It was fun for me.”
“Some artist choose to purely ignore while some ignore or retaliate, I’m the latter.”
“The same way imposing a gender preference on someone is foul right? I’m not on a pedestal, never claimed I was.”
“Then Tell him not to impose his opinion of someone’s sexual preference to another. Kung bastusan lang, game ako.”
Ipinakita ni Luis na tao rin siya kaya nakipagsagutan sa Twitter kahit kilala siya sa indutriya na marespeto, ma-PR at mabait na tao. Minsan dapat ding makatikim ang mga basher lalo na ‘pag binabastos ka na. Minsan talaga hindi rin talaga pinalalampas ang mga basher na ‘yan ‘pag sobrang foul na, ‘no?!
Kahit nga si Piolo Pascual sumagot din noong ganyan din ang atake ng basher sa kanya.
TALBOG – Roldan Castro