Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, gusto pang balikan si Bea

022715 bea jake

FINALLY nagsalita na si Jake Vargas kung ano talaga ang dahilan sa hiwalayan nila ni Bea Binene. Itinanggi niya na may ibang babae siya bagkus wala raw silang time sa isa’t isa.

“Hindi na kami gaanong lumalabas, nawawalan ako ng time sa kanya. Pero walang third party, walang ganoon. Nagulat nga ako eh, kasi mahal na mahal ko si Bea,” deklara niya.

Hindi ba siya gumawa ng effort na makipagbalikan kay Bea?

“Gusto ko maging maayos kami kahit na ganito kami, may pinagdaraanan kami. Ayoko lang ng may mga bash na ano, na parang magkaaway kami dahil sa ganito, sa ganyan na isyu,” sambit pa niya.

Hindi malinaw kung friends sila ni Bea dahil hindi raw niya ito nakikita lately. Matagal na rin daw na hindi sila nagte-text-an. Hindi raw kasi siya sinasagot ni Bea sa text.

“Pero okay lang ‘yun at least nasasabi ko sa kanya ‘yung gusto kong sabihin, ‘di ba?Okay lang basta nababasa niya,” deklara pa ni Jake.

Mahal pa ba niya si Bea?

“Hindi naman agad mawawala ‘yun.Hindi naman basta-basta mawawala ‘yun,” pag-amin pa niya.

Gusto ba niyang balikan si Bea?

“Oo.Ako naman ganoon naman, eh gusto ko naman maging maayos kami lagi,” diretso niyang sagot.

Hindi rin daw niya alam kung ano ang ire-react niya ‘pag nabalalitaan niyang may ibang nanliligaw na kay Bea.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …