Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balimbing si Chairwoman “illegal terminal”!

PANGILOne of the huge mistakes people make is that they try to force an interest on themselves. You don’t choose your passions; your passions choose you. — Jeff Bezos, CEO of Amazon

PASAKALYE:

Hindi lahat ay nagiging isang journalist. Ang pagsusulat, o pagiging isang mamamahayag, ay isang passion. Hindi por que pinayagan ang isang indibiduwal na magsulat ng pitak (column) ay isa na siyang mamamahayag. Kung wala siyang paninindigan ay hao siao siya. Kaya tama lang ang sinabi ng chief executive officer ng Amazon (see quotation sa ibabaw) na “you don’t choose your passions; your passions choose you.”

Tama po ba, Ginang Santos?

HALATANG-HALATA na ang lumabas sa isang pitak sa isang pahayagan na sinasabing walang laman ang PANGIL ay kathang-isip lang mula kay Jerry T. Vito Cruz ng Maynila. Una sa lahat, paano kaya nalaman ng sinasabing texter na lalaki ang inyong lingkod (samantala many would agree na pambabae ang pangalang gamit ko)? Pangalawa, kapag bumati ba ang isang kolumnista sa isang kaibigan/minamahal (na nagkataon ay miyembro ng opposite sex) ay pambababae na ito?

Huwag kasing mapikon e…

Paging: Mayor Erap Estrada

Bakit po hanggang ngayon ay namamayagpag ang operasyon ng illegal terminal sa Lawton? 

Balita ko po’y hawak ito ng isang dating sepsep at nakadikit kay ex-Mayor ALFREDO LIM pero bumaligtad na sa inyo dahil siyempre baka masilip po ninyo ang kanyang ginagawang pangongotong sa mga pumaparada sa lugar na kanyang nasasakupan.

Huwag n’yo pong balewalain ang operasyon ng mga illegal terminal sa Lawton dahil ayon sa isa ring opisyal ng pamahalaang lungsod ay umaabot sa daang milyon ang kinikita ng nasabing reyna ng illegal terminal mula sa kinokotong nila. Sabi nga ng city official, sinubukan pa nitong magsumite ng maliit na ‘kita’ para maliit din ang kanyang buwis na babayaran pero nabuking lang kaya pinagbayad siya nang tama!

Mag-ingat sa balimbing at traidor!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …