POSITIVE yata ang naging resulta ng paglabas ni Nora Aunor sa isang episode ng TV show na kasama niya sina Janine Gutierrez at Lotlot de Leon kaya igagawa raw ito ng GMA-7 ng weekly drama anthology.
Mabuti naman kung magkakatotoo ‘yan. Magaling naman si Ate Guy at kung once a week lang naman ang airing ay maganda na rin iyon para sa kanyang fans.
It’s high time na magkaroon na rin ng sariling drama anthology si Ate Guy dahil bihira na siyang mapanood ng kanyang fans sa TV. Puro kasi indie films ang kanyang ginagawa ngayon.
ni ALEX BROSAS