LIKAS ang maternal instinct ni Ai Ai Delas Alas kaya kahit ang iba pang mga artista kagaya na lang ng dating child star na si Jiro Manio ay malaki ang tiwala sa kanya. Sa isang panayam ay kinompirma niyang updated siya sa mga nangyayari kay Jiro sa rehab at hindi niya ito pababayaan, kaya matitiyak na nasa mabuting kalagayan ang actor.
Balita ring dadalhin ni Ai Ai si Jiro sa Japan ‘pag nakalabas na ito sa rehab para makita ang tunay niyang ama. Pero sinabihan din niya si Jiro na ‘wag masyadong umasa kung paano siya tatanggapin ng tunay niyang tatay.
Nakare-relate si Ai Ai sa emosyon at sitwasyon ni Jiro dahil ampon din siya. Noong hindi niya kilala kung sino talaga ang parents niya, hindi nawawala ‘yung feeling na hindi niya maintindihan at kung bakit hanap siya ng hanap ng kung ano-ano. Gusto niyang ipaintindi at ipadama kay Jiro ang ganoon para matapos na ang ganoong emosyon ng dating child actor.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro