SI Dawn Zulueta pa rin ang pinakamagandang female celebrity para sa amin. Kahit na nasa 40 na siya ay wala pa rin siyang kupas, ang dami niyang patataubin na mas batang artista.
Ang daming humanga sa ganda ni Dawn during the presscon for The Love Affair. Talagang tilian ang fans na naimbitahan for the presscon.
Sa ganda ni Dawn, hindi kataka-takang mayroong guys na magkagusto pa rin sa kanya kahit na married na siya.
Actually, natanong nga siya tungko dito, kung mayroon bang nagpaparamdam sa kanya kahit taken na siya.
”Maybe? Ha-ha-ha. Hindi ako sure. Alam mo, we’ve been married, mag-18 years na kaming married so medyo mapurol na ako. Hindi na ako nakaka-pick up minsan. May gusto ba siyang ipahiwatig sa akin?” sagot ni Dawn.
Maging si Richard Gomez na leading man niya ay nag-react and said, “Siguro, ako ang tingin ko lang sa ‘yo, man’s point of view, sa ganda mong ‘yan I’m sure maraming nagpapahaging sa ‘yo pero hindi mo napapansin.”
Actually, dumalo pa muna si Dawn sa SONA ni PNoy. Angat na angat ang ganda niya sa kanyang Cary Santiago white gown. Marami tiyak ang nainggit sa kanyang kagandahan.
UNCUT – Alex Brosas