USAP-USAPAN ang kissing photo nina Enrique Gil and Liza Soberano.
Kasi naman, marami ang nakapansin na tila lumapat sa upper lips ni Liza ang labi ni Enrique nang halikan ng binata ang kanyang leading lady sa isang show sa probinsiya.
Lumabas ang picture sa isang popular website at ang reaction ng mga tao ay samo’tsari.
“parang tsansing lang”.
“di nakatiis si enrique hahaha.”
“Di mo na talaga mapipigilan Quen? hahahaha Langya, ang batabata pa ni Liza oy.”
“Grabe Quen bakit laging may halong gigil? Wag kang mag-alala dahil nag-atrasan na lahat ng kaagaw mo sa kanya.”
Ilan lang ‘yan sa reactions na aming nabasa.
“Kasi di pa sya ready dyn,ng ask yung fans ng kiss then si Quen bgla nya kiniss si liza sa cheek..yung concert nila yan sa binan..angalaswa lang yung mga ngcocomment dito na di naman nakapanuod,” depensa naman ng isang fan ng dalawa.
Oo nga. Hindi naman magte-take advantage si Enrique dahil napaka-gentleman naman nito. Hindi siya ang tipo na mambabastos ng kanyang leading lady, ‘no!
UNCUT – Alex Brosas