Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Jolens, 18 mos. ang kontrata sa Megasoft

072915 jolina magdangal aileen choi-go

SOBRANG naaliw ako kay Madame Aileen Choi-Go, vice president ng Megasoft Hygienic Products chilling with the invited entertainment media last Saturday para sa isang media announcement sa bagong brand endorsers nito for Super Twins.

Ganoon din ang naramdaman ng press sa napakainit na pagtanggap sa kanila ni Ma’am Aileen na super asikaso sa kanila. Hanggang sa sila na mismo ang nagsabing umupo na sa presidential table si Ma’am Aileen.

Napaka-informal ang intimate pocket presscon na naging very smooth din ang batuhan ng tanong kay Miss Go. Since napaka-charming na tao, nasagot naman niya ng bonggang-bongga in details ang mga tanong sa kanya.

Yes. Kung last year ay pumirma ng kontrata si Maja Salvador bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkin, nitong July 21 lang ay pumirma naman sina Jolina Magdangal, Mark Escueta, at ang anak nilang si Pele ng kontrata para sa Super Twins. Isang brand na pambata na bago pala napapayag ni Ma’am Aileen si Jolina to sign the contract ay pinasubok niya muna kay Pele ang super twins.

Now, 18 months ang pormal na pinirmahang kontrata ng Escueta family sa Megasoft na ikinatuwa naman ng mag-asawang Emilio at Aileen.

Ayon kay Ma’am Aileen, isang karangalan ang mapabilang sa pamilyang Escueta ang Megasoft. Hindi rin nahirapan ang Megasoft in terms of negotiation pagdating sa talent fee ng mga Escueta! Bongga!

REALITY BITES – Dominc Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …