Sunday , December 22 2024

Sino ang dapat iboto?

USAPING BAYAN LogoUSAP-USAPAN na ngayon sa mga tambayan kung sino ang dapat pumalit sa espesyal na pangulong si Benigno Simeon Aquino III sa darating na 2016 elections. Kanya-kanyang haka-haka tungkol sa dapat na katangian ng magiging bagong pangulo ang lumalabas.

Marami ang nagsasabi na ang gusto nila ay ‘yung “malinis” at walang bahid ng corruption. May ang gusto naman ay ‘yung malakas ang karakter at may “pruweba” laban sa mga walang hiya at kriminal sa lipunan. 

Hindi rin mabilang ang mga nagsabi na ayaw na nila ng mag o-OJT pa sa pagka-pangulo dahil nadala na sila sa mag-inang Aquino na pareho raw nag-OJT sa Malacañang. May mga nagsasabi naman na ang gusto nila ay ‘yung maaasahan sa pagtulong lalo na sa panahon ng kagipitan o sakuna. Hindi ‘yung babagal-bagal.

Iba-iba o sari-sari ang gusto ng mga botante na katangian ng magiging bagong lider ng bansa. Gayon man ay may mga katanungan ako at paalala sa ating mga kababayan.

Bakit n’yo iboboto ang isang kandidato sa darating na halalan? Ano ang batayan ninyo para bigyan siya ng importansiya? Kilala n’yo ba nang medyo malalim ang kandidatong iyan o narinig n’yo lang ang tungkol sa kanya sa TV, radio, kapit-bahay o katrabaho n’yo? 

Nakita n’yo na ba kung paano siya magtrabaho? Alam n’yo ba kung paano siya magdesisyon sa panahon ng krisis? May tibay ba siya ng loob? May karanasan ba siyang mamuno? Makatao ba siya o maka-negosyo? Hindi kaya kamag-anak lang siya ng isang hinahangaang indibidwal o artista at inaakala na kapareho siya ng iniidolo, o baka naman narinig n’yo lang ang gusto n’yong marinig mula sa kanya kaya botante niya kayo? 

Ilan lang ito sa mga dapat itanong sa sarili. Huwag kalilimutan na maraming magaling mambola lalo na sa umpisa. Dapat tayong mag-isip nang malalim bago bumoto. Huwag lamang ibatay ang desisyon sa pagboto dahil sa mga naririnig na political jingle, nababalitaang gimik, o dahil kamag-anak siya ng isang kinikilala sa lipunan. 

Lalong huwag bumoto dahil lamang sa karakas ng mukha o kung paano ngumiti, kumaway o kumanta ang isang kandidato. 

* * *

Sa kabila ng naka-iskedyul na eleksyon sa 2016 ay hindi maalis sa isip ko na ngayon pa lang ay plantsado na ang lahat at malinaw na kung sino ang papalit kay BS Aquino. 

May duda ako na ang susunod na pangulo ay isang neo-liberal na magpapatuloy ng mga patakaran ng International Monetary Fund at World Bank (IMF/WB) sa ating bayan. Malamang na may basbas na siya mula sa gobernador heneral sa Luneta. 

Kilala ba ninyo kung sino itong palagay ko ay susunod na pangulo ng ating bansa? 

* * * 

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *