Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wowowin ni Willie, sisibakin na rin daw ng GMA?

 

032315 willie

BUKOD sa Sunday All-Stars, isa pang programa tuwing Linggo ang nanganganib na masibak ng GMA 7.

Ayon sa aming source, susunod na titigbakin ng Siete ang game show ni Willie Revillame, angWowowin, na napapanood pagkatapos ng SAS.

Nagpalabas ng ultimatum ang GMA kay Willie tungkol sa renewal ng kontrata nito bilang blocktimer na mapapaso na sa katapusan ng Agosto.

Binanggit din ng source na nais ng GMA na ilipat ni Willie ang oras ng kanyang programa na lalong nanghihingalo sa ratings kontra sa mga pelikula ng Star Cinema ng ABS-CBN.

Bukod pa rito ay nais ng GMA na gawing live ang Wowowin imbes na pre-taped.

Ginawang pre-taped ni Willie ang kanyang show dahil ayaw niyang ma-overtime dulot ng mahigpit na patakaran ng GMA tungkol sa oras.

Unang inialok ng GMA kay Willie na ilagay ang kanyang show katapat ng ASAP 20 ngunit umayaw siya dahil sobra ang respeto niya kay Johnny Manahan na dating director ng Wowowee at ngayon ay director ng ASAP.

Blocktimer si Willie sa kanyang programa sa GMA at malaki ang binabayaran niya sa estasyon ngunit kung patuloy na babagsak ang ratings nito ay masasayang lang ang pera at puhunan niya.

Mauunang tatanggalin sa ere ang SAS at ang ipapalit rito ay ang bagong show na Sunday Pinas Saya simula sa Agosto na magiging hosts sina Marian Rivera at Ai ai de las Alas.

Magiging producer ng bagong show si Tony Tuviera na producer din ng Eat Bulaga.

SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …