KINOMPIRMA ni Michelle Madrigal na hindi na masyadong aktibo sa showbiz ang kanyang kapatid na si Ehra.
Sa aming pakikipag-uusap kay Michelle, sinabi niya sa amin na mas prioridad ngayon ni Ehra ang relasyon nito sa bagong non-showbiz boyfriend pagkatapos na mahiwalay sa singer at DJ na si Myke Salomon.
Huling nagtrabaho si Ehra sa isang show sa TV5 bago siya nagdesisyong umalis ng showbiz.
Mas aktibo si Michelle sa showbiz ngayon at mainstay sa teleseryeng Pasion de Amor ng ABS-CBN, bukod sa paminsan-minsang pagsasayaw sa It’s Showtime at ASAP 20.
Lalong naging masaya ang lovelife ni Michelle dahil ang kanyang boyfriend na basketbolistang si Chris Ross ay napili sa All-Defensive Team ng PBA, bukod sa pagiging champion ang team ni Chris na San Miguel Beermen.
SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III