Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, masaya kay JM kaya imposibleng ma-inluv kay Matteo

 

HINDI ikinatuwa ni Jessy Mendiola ang pagkakadawit ng pangalan niya sa napabalitang pagkakalabuan kamakailan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

May alingasngas na si Jessy pa umano ang dumadalaw sa condo ni Matteo.

“Happy na sila at happy na kami, ‘wag na gawing isyu,”deklara ni Jessy.

‘Yung mga larawang magkasama sina Matteo at Jessy na kumalat sa social media ay kuha pa sa kanilang serye noon na Paraiso. Nangangahulugan lamang na parte ‘yun ng trabaho.

Imposible nga naman na maging third party involved si Jessy kina Matteo at Sarah dahil mas nauna si Jessy. Muntik na silang magkaroon ng relasyon ni Matt pero naudlot lang nang magkasama sa show abroad sina Matt at Sarah. Pagbalik ni Matteo, nag-iba na ang ihip ng hangin.

Masaya si Jessy sa piling ngayon ni JM De Guzman. Katunayan, nagbibiro na rin si JM kung bibilhan na niya ng singsing ang actress.

Malaking bagay si JM sa buhay niya dahil naging karamay din niya ito at nakatulong na bumalik sa motivation nang ma-depress at mabakante sa trabaho.

Pak!

Home Sweetie Home, pasok sa Top 10 na may mataas na ratings

HINDI nawawala sa top 10 ang Home Sweetie Home sa pinakamataaas na ratings sa mga proagrama ng ABS-CBN 2.

Tinatangkilik ng mga televiewer ang layunin ng HSHtungkol sa iba’t ibang sitwasyon na nagtuturo at nagtatanim ng good values sa bawat miyembro ng pamilya.

Ngayong Sabado, ipagtanggol ni Toni Gonzaga (Julie) sa bullies ang kanyang kapatid na si Clarence (Rence) na pinipilit na mag-resign bilang class president ng kanyang classmate.

Mahuhuli ni Julie ang mga nambu-bully na si Rence. Agad namang ipinagtanggol ni Julie ang nakababatang kapatid.

Samantala, baha at brownout ang inabot ng tahanan nina Romeo at Julie dahil sa masamang panahon. Para maibsan ang bagot at maglibang sa bahay, ipinakita ni Romeo sa kanyang pamilya kung anong indoor activities ang pwedeng gawin sa loob ng bahay tuwing tag-ulan.

Ano kaya ang sasabihin ni Julie sa bullies? Anong indoor activities ang magiging bonding ng pamilya nina Romeo at Julie? Abangan ngayong Sabado.

Panoorin din ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows na Banana Split: Extra Scoop, LUV U, at Goin’ Bulilit.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …