Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa UAAP season 78: Mas pinalakas na UP Fight Maroons

 

HALOS tig-apat na laro na lang ang natitira sa second round ng UAAP Football at hanggang ngayon napakahigpit pa rin ng karera para sa final four. Wala sa mga top team ang may kasiguruhan na makapapasok sa semi-finals—hindi gaya ng nakaraang taon.

Matapos ang mga laro ng Pebrero 1, nasa top spot ang UP Fighting Maroons ni coach Anto Gonzales na may 6 na panalo, 2 draw at 1 pagkatalo para sa 20 puntos. Sumunod sa kanila ang DLSU Green Archers na may 5 panalo at 5 talo para sa 20 puntos din. Nasa ikatlong puwesto ang Ateneo na may 5 panalo, 4 na draw at 1 pagkatalo para sa 19 na puntos, kasunod ang FEU Tama-raws, na defending champions at naghihingalo sa ikaapat na baytang sa 5 panalo nito kasama ang 2 draw at 2 pagkatalo para sa 17 puntos. Nasa panglima ang NU Bulldogs (4 na panalo, 2 draw at 3 pagkatalo, 14 puntos), habang may habol din ang UST Growling Tigers sa (4 na panalo at 6 na pagkatalo, 12 puntos).

Sa football, ang kada panalo ay magbibi-gay sa team ng 3 points, ang tabla o draw ay may 1 point habang ang talo ay walang puntos. Kapag may tabla sa total points, titingnan kung sino ang mas maraming goals na naka-score kaysa ipinamigay para malaman ang mas mataas.

Nitong Season 77 mas mahirap talagang mahulaan ang magiging top teams gawa nang pare-pareho silang nagpalakas matapos ang championship run ng FEU noong Season 76.

Ang UP na nag-runner up noong huling season ay number 1 ngayon, salamat sa pinalakas na line-up at number one goal scorer na si Jinggoy Valmayor na mayroon 9 goals sa tournament. Ang 2nd-ranked team naman ng DLSU ni coach Hans Smit ay ginugulat ang marami sa kanilang agresibong style na napakahirap ma-scout dahil papalit-palit ng strategy ng atake at puwesto ng mga player ni coach Smit sa gitna mismo ng laban.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …