INILAGAK sa subasta ang hiwa ng mga cake mula sa limang British Royal Wedding, 42 taon na ang nakalipas—at kasama ang health warning na “hindi puwedeng kainin (not suitable for consumption)” ang mga ito.
Kinolekta ang mga hiwa ng cake ng chauffeur ni Queen Elizabeth II na si Leonard Massey, na itinago sa orihinal na packaging na ibinibigay sa mga wedding guest na may mga monogram para ipagdiwang ang pag-iisang-dibdib ng mga royalty, o dugong bughaw.
Pinakabago rito ang hiwa ng brandy-infused fruit cake mula sa 2011 wedding nina Prince William at kabiyak na si Kate, na may guide price mula US$600 hanggang $800 (540-720 euro).
Ang hiwa naman mula sa 1981 cake ng kasal ng mga magulang ni William na sina Prince Charles at yumaong Lady Diana, ay inaasahang aabot ang guide price mula US$1,000 hanggang US$2,000.
Ang pinakalumang hiwa ay galing sa 1973 wedding ni Princess Anne, ang ikalawang supling ng reyna at nag-iisang anak niya kay Mark Phillips.
Ang buong wedding cake ay sinasabing may sukat na limang talampakan at anim na pulgada ang taas (168 sentimetro), na katumbas naman ng height ng prinsesa.
Isusubasta rin ang mga hiwa ng mga cake mula sa kasal nina Prince Andrew at ang ex-wife niya ngayon na si Sarah Ferguson noong 1986, at Prince Charles at ika-lawang asawa na si Camilla noong 2005.
Kinalap ni Tracy Cabrera