ANG importante, marunong humingi ng sorry at magpakumbaba si Kris Aquino. Iyan ang concensus ng marami sa ginawa nito nang maging guest sa morning show niya si pareng Bistek, QC Mayor Herbert Bautista.
Marami rin kasi ang pumuna mareh na nag-eemote lang daw ang pamosong TV host-actress dahil nga mayroon itong movie project na ginagawa with the QC Mayor na ilang beses ding naintriga sa kanya dahil sa naudlot umano nilang “MC” o mutual crush sa isa’t isa.
“Knowing Kris, she always wants good copy at lagi siya dapat bida. Mahirap na kasing hanapan ng anumang anggulo ang upcoming MMFF entry nila kaya’t sa mga ganitong paraan na lang siya dapat na bumawi at gumawa ng bonggang promo kumbaga,” sey ng ilang netizens.
Well, Kris is Kris kaya’t kayo na po ang bahalang mag-analyze. Ang importante na agree naman kami, marunong siyang mag-sorry kung kailangan at sa tamang timing hahaha!
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus