NAKAALERTO ang 200 bilang ng mga miyembro ng search and rescue team ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang tumulong at magresponde sa iba’t ibang lugar ng Kalakhang Maynila habang nananalasa ang bagyong Falcon.
Ayon sa Public Information Office (PIO) ng NCRPO, inihanda na ang mga gagamitin para sa rescue operations, tulad ng rubber boats.
Maaari anilang gamitin ito ng iba’t ibang police stations sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila oras na mangailangan ng karagdagang puwersa. Tuloy-tuloy ang ginagawang monitoring ng NCRPO sa sitwasyon, hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa kalapit na mga lalawigan.
(JAJA GARCIA)