AYAW ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na lumaban pa ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa isang tune-up fight sa pagbalik niya sa ring sa susunod na taon at sa halip ay naghahanap si Roach ng ‘tough opponent’ para kay Pacman.
Nagpapahinga sa labas ng boxing si Pacquiao, ang kauna-unahang boksingero sa kasaysayan ng sport na nakamit ang titulo sa walong magkakaibang division, matapos sumailalim sa operasyon para mapagaling ang napunit na rotator cuff sa kanang balikat ng Pinoy boxing icon, na nagkaroon ng pinsala habang nagsasanay para sa pagsagupa sa American pound-for-pound king Floyd Floyd Mayweather Jr., sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas noong Mayo 2.
May ilang nana-nawagan para sa pag-reretiro ng Pinoy champ, na kinatawan din ng lalawigan ng Sarangani, matapos matalo sa puntos kay Mayweather na binansagang ‘Battle for Glory’ at ‘mega-fight of the century.
Ngunit ayon kay Roach, may duda na magreretiro nga ang Pambansang Kamao sa malapit na panahon.
“He’s still having a lot of fun with it,” pahayag ng multi-awarded boxing trainer sa panayam ng USA Today. “He loves the sport. I think he’s got a couple of fights left in him.”
Duda rin si Roach na magkakaroon ng rematch kay Mayweather para sa kanyang alaga, pero nais pa rin niyang bumabad uli sa seryosong pagsasanay ang kanyang pambato bago magbalik sa ring sa su-sunod na taon.
“I think that’s what we’re looking for, (to beat someone conclusively), so it’s going to have to be a tough opponent,” punto nito.
Hindi rin naman pina-ngalanan ni Roach ang sinumang potensyal na makaka-laban ni Pacman, ngunit ayon sa ulat ng USA Today, minamataan ni Top Rank chief executive Bob Arum na makalaban ni Pacquiao sinuman kina Lucas Matthysse, Kell Brook at Terence Crawford.
ni Tracy Cabrera