Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, magsisilbing ina muna ni Jiro

070915 aiai jiro

PAGKATAPOS ng ilang panawagan ni AiAi delas Alas, natunton na rin ang kinaroroonan ng award-winning actor na siJiro Manio. Aside sa Comedy Queen, kasama rin doon ang team ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Nakiusap naman si AiAi na kakausapin niya muna ng pribado ang dating aktor upang malaman kung natatandaan siya nito at para na rin iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ina.

Ayon pa sa isang Instagram post ni AiAi (@msaiaidelasalas),”Nakausap ko na po si Jiro and he trusts me…ayaw na po nyang pag-usapan at ng tsismis showbiz… BUT HES OK AND GOOD… Nirerespeto ko po ang hiling nya na wag ng mapag-usapan ng kung anu-ano at mga tsismis sa kanya… Gusto ko lang ibalita na ok sya at sisiguraduhin kong mas MAGIGING OK PA SYA… Salamat sa lahat ng inyong suporta at prayers and concern.. GOD BLESS YOU ALL!”

Kinabukasan, binalikan ni AiAi si Jiro upang dalhan ng makakain at ipinahayag ng actress na simula sa araw na iyon, siya muna ang tatayong ina sa binata.

Sabi pa ni AiAi sa isa pang Instagram post nito, ”I may not be your biological mom.. But I’ll try to help you the very best way I can.” Labis-labis naman ang pasasalamat ng pamilya ni Jiro kay AiAi dahil hindi ito nagdalawang-isip sa pagtulong dito.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …