SOLD-OUT pala ang DeeTour concert ni Enchong Dee kaya pala wala ng maibigay na tickets sa mga gustong manood sa unang gabi ng palabas nito noong isang gabi, Hulyo 3 sa Music Museum.
Tuwang-tuwa ang aktor dahil successful ang kanyang unang project na siya mismo ang nag-produce at ililibot daw niya ito sa buong Pilipinas at sa ibang bansa.
Marunong humawak ng kinikita niya si Enchong sa tulong ng magulang kaya inumpisahan na niyang mag-produce ng shows niya.
Samantala, mapapanood ngayong Linggo si Enchong sa Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ay ibubunyag ni Chairman Tan (Richard Yap) na si Diego (Enchong) ang magiging susunod na Kung Fu Chinito kaya sasailalim ang aktor sa isang pagsasanay upang matutuhan niya kung paano gamitin ang kapangyarihan na ipagkakaloob sa kanya.
Tatanggapin ba ni Diego ang responsibilidad ng isang tagapagligtas kung ang kahulugan nito ay malalagay sa panganib ang buhay niya?
Matututuhan niya kaya na gamitin sa wasto ang kapangyarihan na ipapasa sa kanya ni Chairman Tan? Kasama rin nina Richard Yap at Enchong sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado mula sa panulat ni Mariami Tanangco Domingo at direksyon ni Erick Salud.
FACT SHEET – Reggee Bonoan