Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

No visitors allowed sa taping nina Bistek at Kris

052215 kris aquino herbert bautista

00 fact sheet reggeeNAG-TAPING na kahapon si Quezon City Mayor Herbert Bautista bilang co-host ni Kris Aquino sa Kris TV na mapapanood naman ngayong umaga sa ABS-CBN.

Kuwento ng aming source, okay naman daw ang tapings at panay nga raw ang biruan nina Herbert at Kris at take note Ateng Maricris, no visitors allowed sa nasabing taping as in.

Baka kasi ma-conscious sila?

Anyway, walang ibinigay na detalye ang aming source, pero panoorin daw namin ngayong umaga ang Kris TV dahil matatawa kami sa hirit sa isa’t isa nina Bistek at Kris.

Sabagay, knowing Kris, malamang kung ano-ano na naman ang sinasabi o tinatanong niya kay Mayor na tiyak na may sagot din kaagad.

Co-host din pala ni Herbert si Bayani Agbayani sa segment nitong Funny One sa It’s Showtime at iwe-welcome siya sa Sabado sa nasabing programa.

Bagay si Bistek sa Funny One dahil siya mismo ay nakatutuwa kaya hindi na kami magtataka kung bakit tuwang-tuwa sa kanya si Kris.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …