Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oh My G, tatlong linggo na lang

TALBOG – Roldan Castro . 

030215 oh my G

HALAGA ng pananampalataya at pananalig sa Diyos ang mga aral na iiwan ng karakter ni Janella Salvador na si Sophie sa top-rating drama series ng ABS-CBN na Oh My G na nakatakda nang magtapos sa Hulyo 17 (Biyernes).

Simula ng umere ito noong Enero, araw-araw nang namamayagpag ang Oh My G sa national TV ratings at social media dahil sa kapana-panabik na kuwento ni Sophie at sa mga aral na kanyang natututuhan mula kay G.

Sa huling tatlong linggo ng Oh My G, tiyak mas mahu-hook na ang lahat sa kuwento ni Sophie ngayong unti-unti nang mabubunyag sa kanya ang sakit ng kapatid na si Anne (Yen Santos).

Ano ang gagawin ni Sophie kapag natuklasan niya na maaari ring mawala sa kanya ang nag-iisang pamilya na mayroon siya? Matatanggap ba niya ang kapalaran na itinakda ni G para kay Anne matapos niya itong hanapin ng mahabang panahon?

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng Oh My G, araw-araw bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …