TALBOG – Roldan Castro .
HINDI pala invited ni Dennis Padilla sina Julia Barretto at iba pa niyang anak kay Marjorie Barretto para sa premiere night ng The Breakup Playlist, Masasaktan lang daw siya ‘pag nag-imbita siya tapos hindi naman darating.
Dagdag pa niya, hindi rin naman siya inimbita ni Julia sa premiere night ng first movie nito na Para Sa Hopeless Romantic.
Ito ang pahayag niya sa guesting niya sa Aquino & Abunda Tonight.
“Narinig ko nga ‘yung comment mo noon, eh. Sumama nga loob ko sa ‘yo noon,” sey niya kay Kris Aquino tungkol sa pagpapalit ng apelyido ni Julia at Barretto na lang ang gamitin.
“Buti nalang kakampi ko si Kuya Boy noong mga oras na ‘yon,” sambit pa niya.
Tumatawa namang reaksiyon ni Kris ay, “Peace na nga tayo ngayon! Pinuri na nga kita na hindi ka nagpaka-plastic! Ginagawa lang namin ‘yan para balance.”